Sunday, April 15, 2012

Cloud Catalog #88.

Tunog bipolar dahil sa nakaraan kong post, pero umiiyak yung ate ko kanina. Naiintindihan ko siya sa nararamdaman niya. May mga tao lang talagang sadyang walang konsepto ng respeto, at sana hindi na lang nag-eexist. Lecheng mga taong yan. Needless to say, love-related ito, pero hindi ko na idedetalye dahil wala rin itong patutunguhan. Hinagod ko na lang yung likod niya at sinabing huwag nang hayaang maapektuhan ng taong yun. Sinubukan kong mag-relate ng personal experience, pero napagtanto ko na hindi rin makakatulong.

Aminin naman natin na sadyang nakakapagod ang araw na ito. 40 days ni nanay, nagkasunog sa kabilang kalye, Binibining Pilipinas sa gabi, Radiohead Coachella sa hapon. In no proper order syempre. Hindi rin sila magkakalebel: naganap lang talaga sila sa iisang araw. Iba rin pumagod ang Linggo na 'to e no? Anyway, brangpagod. Basta mahal ko ang ate ko. Sana maging okay na siya at ang mga bagay-bagay.

No comments: