Thursday, March 29, 2012

Cloud Catalog #57.

Alam mong naghihirap na ako kapag:

(1) Kadiri na yung kinakain ko (tulad nung mga calamares na tinitinda sa kalsada)

(2) Nangungutang na ako sa ate ko (dati ako yung inuutangan niya!)

(3) Hindi ako nagbabayad sa dyip kahit may pambayad (e makakalusot naman!)

(4) Inom ako nang inom nang tubig (glug glug)

(5) Hindi na nagtetext (duh walang load)

(6) Nagtetext through Gmail (duh wala ngang load)

(7) Internet nang Internet hanggang sa maging sabaw (libre naman ang Internet sa bahay, hindi nga lang makadownload)

(8) Naghahabol ng mga may utang (tang ina niyo!)

(9) Nagsosorry sa mga inutangan (huhu sowee pohz)

(10) Nagbablog na lang (dahil walang pamasahe para makipagkita sa mga kaibigan)

Ang ibig sabihin niyan, naghihirap ako ngayon! Donasyon naman dyan, guys! XD

No comments: