Hello Nay. Naaalala pa rin kita araw-araw. Kanina habang naglalakad ako pabalik ng opisina, naalala ko nu'ng sinamahan kita sa Orthopedic, sa may Banawe, kasi nadulas ka at namaga ang buong braso mo. Hindi ako pumasok ng trabaho at magkasama tayo buong umaga. Nang matapos ang check-up mo, sabi ko gusto ko ng champorado. Kaya dumaan tayo ng Tapa King. Tas kumain tayo sa Reyes Barbecue. Nagkuwentuhan. Napadami ang kain. Napahaba ang usapan. Ang init. Ang init sa labas kaya hindi muna tayo umuwi. Hindi ko malimutan ang araw na yun. Ang linaw pa rin sa alaala ko. Ang saya natin nu'n e. Kahit may benda ang braso mo. Kahit may mga problema tayo. Kasama kita e, kaya ayos na yun sa 'kin.
Wednesday, March 21, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
The good news is, may backer na tayo sa dako paroon. *tapik balikat*
Post a Comment