Saturday, October 2, 2010

RIP Iya Day 2.

Iya. Ang dami kong gustong gawin. Sabihin. Ihingi ng tawad. Gusto kitang akapin. Mahigpit. Halikan. Sana nakausap kita bago ka nawala. O nalaman kong malapit ka nang mawala nang gabing pinuntahan kita sa kuwarto mo. Iya, hindi mo alam napakaraming beses mo akong napasaya. Napangiti. Napagaan ang loob. Sana nagawa ko yung tumbasan sa anim na taong kapiling ka namin. Mahal na mahal kita. Ka namin.

3 comments:

ayer said...

Nakikiramay ako, Chard. Lubhang nakalulungkot.

Julius Roland said...

Chard, langyaka, nakakadurog-puso naman. Naaalala ko lang ang pamangkin kong nasa bahay. Parang gusto ko na tuloy umuwi na.

*tapik sa balikat*

Anonymous said...

that is so sad. bless her soul. (*sighs* why does death happen right away?)