Iya... Lagi pa rin kitang nararamdaman sa bahay. Tuwing pinupuntahan mo ako sa kuwarto ni Tita para kausapin ako habang nagsusulat, at ikaw naman nilalaro mo si Nene Bear, Tati Bear, at Donald Duck. Nag-uusap tayo nang kung ano-ano lang. At minsan sinusungitan kita kasi wala na naman ako sa mood. At minsan inaakap mo ako sa likod at hindi kita pinapansin. Iya, mahal na mahal kita. Tuwing pumupunta ka sa kuwarto ko para magpaturo sa assignment mo. Sa tuwing lalabas tayo para samahan mo akong magwithdraw at dadaan tayong 7-11 para ilibre kita ng pagkain. Sa tuwing hihingi ka sa akin ng papel para may madrowingan ka at masulatan. Sa tuwing magtatampo ako sa 'yo dahil hindi mo na naman ako sinusunod. Sa tuwing nilalambing mo ako pag-uwi galing trabaho. Sa tuwing maglalaro tayo, at nung minsang ginawan ko ng paraan na payagan kang maligo sa ulan. Sa dalawang beses na dinala kita sa Christmas party ng Alliance. Sa tuwing pinipilit mo akong isama kita sa tuwing maglalakwatsa ako kaso hindi puwede. Iya, miss na miss na kita. Kung alam ko lang na anim na taon lang ang tagal ng ating pagsasama, ginawa ko na sana ang lahat upang mapasaya ka nang lubusan. Iya, kulang ang salita upang maparating ko kung gaano ko nararamdaman ang pagkawala mo. Iya. Namimiss ka na ni Tito Ichard. Balik ka na...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Condolence chard...
Post a Comment