Wednesday, September 19, 2012

Cloud Catalog #142.

May mga gabi na mababaliw na lang ako dahil maagang uuwi ang ate ko at mainit ang ulo niya, magagalit sa lahat ng bagay na makikita, sisigaw, magbibitiw ng masasakit na salita, at malulungkot ako tuwing mapapakinggan ko yun, malulungkot kasi wala akong magagawa dahil kasalanan din naman namin, pero maiinis din ako kasi pare-pareho lang naman kaming pagod at tamad, mas masipag nga lang siya, at hinihintay ko na lang na kumalma siya pero matagal siya kumalma, marami muna siyang sasabihin, at mararamdaman ko na nakakapagod na lang mabuhay, na punung-puno ng problema ang mundo, na wala nang solusyon ang lahat, na hindi na bubuti ang kalagayan namin, na wala nang punto magpatuloy pa, pero maya-maya tatahimik si Ate, manonood ng TV na parang walang nangyari, at gugustuhin kong magpahinga at kalimutan na lang ang lahat pero may kailangan pa ring tapusin.

No comments: