Bale may kuwento ako tungkol sa isa sa mga unang bagay na ginawa ko nang magsimula ang taon.
Isang hapon nag-aayos ako ng mga damit sa aparador nang may mapansin akong T-shirt na may kakatwang alaala. Noong nakaraang taon ito nangyari. Mga panahong nakikitulog ako sa apartment niya dahil gusto ko siya makasama. Baon ko yung damit na yun. Nasa kanila ako hanggang Linggo kaya nagbaon ako ng dalawa o tatlong extra T-shirt. Nung nagpaalam ako para umuwi, hindi sinasadyang naiwan ko yung damit na yun sa closet niya. Nakalimutan ko, tas hindi rin niya napansin.
Tas isang gabi nagtext siya sa akin tungkol sa naturang damit. Sabi niya, "Chard, damit mo ata tong suot ko. Haha." At saka ko naalala. Siyempre sabi ko ayos lang, bilang halos magkakatawan lang naman kami at wala namang kaso yung ganung bagay. Suot niya yung damit kong yun nang pumunta siya ng Cubao X. Hindi ko na maalala kung anong event, pero dumiretso daw siya dun dahil nalulungkot siya. Hindi ko siya masamahan dahil may tinatapos akong trabaho.
So ayun na. Nung nagkita kami kinalaunan, isinauli niya yung T-shirt. Bagong laba. Mabango. Inamoy-amoy ko pa.
Ilang linggo o buwan ang nakalipas nagkakalabuan na kami. Dahil may angkin akong talento sa pananaliksik, napag-alaman ko ang isang mahalagang detalye. Nung gabing yun sa Cubao na suot niya yung T-shirt ko, kasama niya yung nobyo niya ngayon. Paano ko nalaman? May picture sila. Siya, suot ang damit ko, nakangiti sa tabi nung lalaki. Ngiting-ngiti. Ang saya saya ni kuya.
Nakakatawa lang. Seryosong tawa. Nakita ko yun nung panahong galit ako at nakadagdag siya sa bigat ng mga nangyari. Pag galit ako natatawa ako. Pag malungkot ako natatawa rin ako. May sayad lang. Pero ayun, natawa ako na naiyak. Siyempre rational naman akong tao. Walang malisya yun nung nangyari siya. Pero pag naiisip ko, hmm..hindi rin. Minsan hindi ako naniniwala sa pagbibigay ng benefit of the doubt.
Alam niyo ano nangyari nung hapong yun habang nag-aayos ako ng mga damit sa aparador?
Bale kinuha ko yung damit at ginawang basahan. Nandun siya sa pinto ng kuwarto ko ngayon. Sanay na ako sa existence niya. Tinatapakan ko tuwing pumapasok at lumalabas. Ang lakas niya makagaan ng loob. Araw-araw ko siyang tinatapakan. Araw-araw ko ring naalala na wala siyang halaga.
At ikinasisiya ko ang bagay na ito. :) Huwag Mo Nang Itanong - Eraserheads
Friday, February 10, 2012
Kuwentong basahan.
Posted by
digitalburyong
at
12:03 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment