Wednesday, September 29, 2010

Guni-guni-ta.

Ang dami kong gustong gawin. Ang dami kong gustong simulan. Ang dami kong gustong tapusin. Ang hirap pala. Ang dami kong kuwento ng mga nangyari nitong nakalipas na buwan pero wala masyadong panahon at gana. Nakakasawa rin pala magkuwento. Minsan kasi pakiramdam mo hindi naman nakakatulong na ikuwento siya. O sadyang wala lang talagang panahon. O hindi mo na siya nakikitaan ng dahilan--ng kahalagahan--para ibahagi sa iba. Umalis ako ng Alliance. Nagkaroon ng bagong trabaho. Na-stroke si Nanay. Nag-birthday ang dalawang pamangkin. Training sa opisina. Bagong proyekto. Hasel sa pagsusulat. Bantay sa ospital. Bantay sa bahay. Pakikiharap sa mga mainitin ang ulo. Away. Sigawan. Pag-unawa. Pagmamahal. Pagbasa. Pakikinig ng bagong kanta. Mga isinisingit na pagsusulat. Pagtulog. Pag-asa. Pag-asa na sana gumaling na si Nanay. Pag-asa na sana wala na siyang panibagong sakit. Pag-asa na sana bumalik na siya sa dati. Pag-asa na wala na masyadong iniisip. Pag-asa na gumaan ang buhay. Pag-asa na tumigil na ang tatay sa paglalasing at pagsusugal. Pag-asa na guminhawa. Pag-asa na matupad ang mga pangarap. Pag-asang makaalis ng bansa at makapagtrabaho sa labas. Pag-asa sa panibagong kapaligiran. Pag-asa sa mga bagong makikilala. Pag-asa na umalwan ang pamumuhay. Pag-asa na makapag-ipon at makabili ng bahay at matupad ang mga pangarap. Pag-asang mahanap ang taong makakasama sa buhay nang matagal-tagal, kahit hindi pang-habambuhay. O teka, may tumatawag.

Handa na raw ang pagkain.

Talagang ang kalandian laging may panahon. Isa siyang necessity. Lahat ata ng pagmamahal ko na nasasayang sa iba napupunta na lang sa 'yo--tas nasasayang din. Lol. O siya.

Paalam muna, bahista ng pagmamahal. Sa Ingles, bassist of love. Sarap mamatay sa kakornihan lolxoxoxo



Winged/Wicked Things - Sunset Rubdown

No comments: