Friday, May 21, 2010

V (for Vendetta waha).

Hindi ko talaga maunawaan itong mga Pranses na mapagbigay ng motibo pero hanggang motibo lang pala. Yung tipong maaabutan mo na naman siya sa loob ng library bago ka dumating (kasi nga late ka) tapos mag-uusap kayo nang sobrang igsi (tipong small talk na hindi naman talaga small talk kasi empleyado ka at kliyente siya) tas mapuputol ang usapan, irerecord mo yung hiniram niya, magpapaalam, magbobonne journée, magngigitian (may lamang mga ngiti) at ayun babay. Dalawang taon na yun nangyayari. Art film na art film. Gusto ko na ng act 2.

(Pareho kaming naka-iPod. Pareho kaya kami ng pinapakinggan? Pak! Pak!)



Crazy Love Vol. II - Paul Simon

2 comments:

Unknown said...

AHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!

WAPAK!

digitalburyong said...

oy, nabasa ko na!

natatamad ako mag-type ng comments. haha.