Friday, April 30, 2010

Masarap gumala.

Nakakatawa 'tong emote emote ko ngayon. Walang dangal.

Nitong mga nakalipas na araw, kapag walang pasok, ibig sabihin tuwing Biyernes at Linggo, lumalabas ako ng bahay para gumala. As in gala. Punta sa mga lugar na pinupuntahan ko dati nung hindi pa ako nagtatrabaho: mall, kainan, bilihan ng libro, kalye, lumang mga pasyalan. Maynila lang siyempre, para malapit sa bahay at hindi gastos sa pamasahe. Nakakamiss din pala. Umuulan na kasi e, kaya tinitiis kong umalis ng hapon kahit sobrang init. Ayokong maabutan ng ulan masyado. Ayokong nagpapayong.

Sta. Cruz madalas. Dun lang naman ako tambay dati. Ongpin nung nakaraang linggo. Quiapo minsan. Ma Mon Luk kanina. Avenida ang laging lakaran. Naligaw ako nung dumaan ako ng Ongpin, as usual, kakalingon sa mga Tsinoy na dumadaan, baka may masagap na tsismis, o may masarap tingnan. Pero cool lang naman. Pag naligaw ka naman sa Ongpin, sa Avenida ka rin naman lalabas, kaya walang kaso. May libreng kuwento ka pa courtesy of the tambays. May nadaanan ako, nagsisigawan sila tungkol sa kantutan. Ang saya. Medyo magastos nga lang gumala, pero okay lang naman. Hindi naman madadala ang pera sa hukay.

Naisip kong magsimba pero pumasok lang ako para tingnan yung mga disenyo ng simbahan. Paborito kong gawin yun. Para ngang kabisado ko na yung architecture ng simbahan ng Sta. Cruz. Maganda lang sila tingnan. Parang tinutukso ka ng kasaysayan. Pampalipas oras din.

At wag ka, minsang naglalakad ako at nagmumuni-muni sa isang crush, kamukat-mukat mong nakita ko ang pangalan ni crush sa isang gusali! Akalain mo. Maka-timing nga naman. Kumikinang-kinang pa. Wala lang. Pang-asar ang kapalaran. Ewan ko ba. O siya. Minsan na nga lang ako magka-crush ng attainable, hindi ko pa ma-attain! (bawal magbigay ng clue)

Labo. Drama nitong tumutugtog ngayon. With matching violin pa. Pero digs naman, buhay. Makatili naman 'tong si Regine. Parang walang Ogie.



Pangarap Ko Ang Ibigin Ka - Regine Velasquez

1 comment:

fuNky*souL said...

chard, sama ko minsan. gusto ko rin makagala ang maynila gaya ng ginagawa mo.