Bakasyon at wala akong inatupag kundi pumapak ng Nutella. Maraming gustong gawin pero wala na atang mas nakakatamad pa sa gitna ng init, na maski paggalaw lang ay nakakaubos na ng lakas, tipong nagasta na lahat ng kinain ko sa pananghalian e ayoko pa ring kumilos. Nakakatamad maligo, magbasa, magcharge ng cellphone, magbukas ng computer! Magsulat! Wala. Walang silbi ang bakasyon bukod sa pagtungaga at paghintay sa araw ng trabaho na ayaw mo kailanman dumating. Tokyo Storm Warning - Elvis Costello
Friday, April 2, 2010
Inutella.
Posted by
digitalburyong
at
10:30 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment