Malakas ang loob ko sumubok. Ang ikinakatakot ko ay ang walang mangyari pagkatapos ko sumubok. Ganun naman lagi. Sanay na. Pero masakit pa rin. Dama pa rin. Ilang araw ding iisipin, iiyakan, iisipin ulit. Hangga't tatawanan na lang. Tas magtataka kung bakit naisipan ko pang sumubok, subukan, subukin ang pagkakataon. Pero ayun. Gagawin ko na naman. Kinikilig na naman. Kakabahan. Pag-aaksayahan ng mga araw at gabi kakaisip, pag-aaksayahan ng mga panaginip at pangarap na hindi matutupad, pag-aasakyahan ng mga muni-muni ng mas malayo pa ang nararating kaysa mga sariling paa. Minsan lang ako maghangad ng happy ending. Sana ngayon na yun matupad. Kahit suntok sa buwan. Give It All Back - Noah and the Whale
Friday, July 1, 2011
Sabado.
Posted by
digitalburyong
at
2:10 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment