Tuesday, March 30, 2010

Katinuan.

Masaya 'tong nagsisimula ulit. Unti-unti. Parang kahit hindi pa masyado maaliwalas sa pakiramdam medyo mabuti-buti na. Sana magtuloy-tuloy. Madali lang naman magbura, ang mahirap magsimula ulit. Di bale, sisikapin.

Nakakuha si Ayn ng tiket para sa amin sa Kings of Convenience mamaya. Excited ako nung nalaman kung pupunta sila rito pero ewan ko ba, bumalik na naman yung sakit ko. Masaya pa rin naman ako syempre. Sana lang walang tao at hindi masyadong maingay. Acoustic tapos sobrang ingay? Ang labo ata.

Natawa ako nung naisip kong manood ng The Devil's Whore ngayong mahal na araw. Pamagat pa lang. Pero teka, masama ba yun? Kesa naman mag-Sion Sono Suicide Club mode ako at panoorin ulit. O Battle Royale. O porn. Pero wag daw. Masama.

Hang the DJ edit. Second issue malapit na! Sa totoo lang wala pa masyadong nagpapasa. Ayos lang naman. Sana yung mga paborito kong tao ay magpasa. Dali na! At siyempre Lilok Pelikula. Medyo masulat ako nitong nakaraan. Nakakaadik din lalo na kung gusto mo yung sinusulat mo. Nagtataka lang ako sa ilang taong may pakialam sa akin masyado. Walang ibang hobby?

Anu't anuman, buhay pa rin ako. Madalas nakakalimutan ko yun. Gusto ko sanang maki-sing along mamaya kaso wala ata akong memorya ngayon.



I Just Sighed. I Just Sighed, Just So You Know - Los Campesinos!

7 comments:

Unknown said...

waaa, inggit ako, KoC! :(

Unknown said...

record mo naman o, haha.

Richard said...

hoy ayer! nasan ka na?

reaching for the spoon said...

good to see you back, chard!

Richard said...

yes, almost!

dodo dayao said...

welcome back chard! wasak. :)

Richard said...

wasaque, do!