
I’m halfway through Jonathan Lethem’s Amnesia Moon, the story of which reminds me of Philip K. Dick’s novels (post-apocalyptic themes) and Michel Faber’s Under the Skin (hitchhiking, furry women). This is Lethem’s second book, very youthful and imaginative, a light read but engaging nonetheless. Why hasn’t anyone adapted this into a movie yet?
From Booklat
Too Many Rappers [New Reactionaries Version] - Beastie Boys
Wednesday, July 6, 2011
What I’m reading-Wednesday: Amnesia Moon by Jonathan Lethem
Posted by
digitalburyong
at
12:14 AM
2
comments
Tuesday, July 5, 2011
Trabaho.
Nakakasuka sa hirap 'tong bagong assignment na binigay sa akin sa opisina. Ewan ko ba. Purol na purol na 'ko. Malapit na mawala ang pakialam ko na maitawid 'to nang maayos at nasa oras. Puwede magbakasyon ng isang taon tas may suweldo pa rin? Pretty pretty please? Gusto ko na ng bagong buhay sige na po.
*
Nagkakatotoo ba talaga kapag madalas hinihiling at iniisip? Puwedeng kami na lang ni J-L? As in mag-e-email siya ng "OK Chard, tayo na. Wala ka nang dapat ipag-alala"? Pretty pretty please?
Abducted - Cults
Posted by
digitalburyong
at
11:42 PM
5
comments
Sunday, July 3, 2011
FU LYF.
Sabi sa "Talking Hotel Arbat Blues" ng Handsome Furs, banda ni Dan Boeckner at Alexei Perry, I don't know but I've been told, every little thing's been bought and sold. Nakakalungkot lang na ideya. Ang sarap umiyak. Kahit saang lugar basta makaiyak lang.
All We Want, Baby, Is Everything - Handsome Furs
Posted by
digitalburyong
at
7:08 PM
0
comments
Bigo.
Hindi ko alam kung bakit napakaraming hindi magagandang bagay ang nangyayari nitong mga nakalipas na araw. Ang alam ko lang: pagod na ako at gusto ko nang magpakalayo-layo. Gagawan ko 'to ng paraan. Pero dapat muna akong magkaroon ng limpak-limpak na salapi.
Best Thing I Never Had - Beyoncé
Posted by
digitalburyong
at
6:57 PM
0
comments
Friday, July 1, 2011
Sabado.
Malakas ang loob ko sumubok. Ang ikinakatakot ko ay ang walang mangyari pagkatapos ko sumubok. Ganun naman lagi. Sanay na. Pero masakit pa rin. Dama pa rin. Ilang araw ding iisipin, iiyakan, iisipin ulit. Hangga't tatawanan na lang. Tas magtataka kung bakit naisipan ko pang sumubok, subukan, subukin ang pagkakataon. Pero ayun. Gagawin ko na naman. Kinikilig na naman. Kakabahan. Pag-aaksayahan ng mga araw at gabi kakaisip, pag-aaksayahan ng mga panaginip at pangarap na hindi matutupad, pag-aasakyahan ng mga muni-muni ng mas malayo pa ang nararating kaysa mga sariling paa. Minsan lang ako maghangad ng happy ending. Sana ngayon na yun matupad. Kahit suntok sa buwan.
Give It All Back - Noah and the Whale
Posted by
digitalburyong
at
2:10 AM
0
comments
Thursday, June 16, 2011
Ang Pagbabalik ng Panday.

Panahon na para muling buhayin ang blog na 'to. Kailangan na manumbalik ng dating sigla. Panindigan!
The Edge of Glory - Lady Gaga
Posted by
digitalburyong
at
8:54 PM
1 comments
Tuesday, April 5, 2011
Wager.
“You know what I’ve always thought?” she asks in a tone of discovery, and not smiling at me but a point beyond. “I’ve always thought a body would have to be sick and dying before they saw the Lord. And I imagined that when He came it would be like looking at the Baptist window: pretty as colored glass with the sun pouring through, such a shine you don’t know it’s getting dark. And it’s been a comfort: to think of that shine taking away all the spooky feeling. But I’ll wager it never happens. I’ll wager at the very end a body realizes the Lord has already shown Himself. That things as they are”—her hand circles in a gesture that gathers clouds and kites and grass and Queenie pawing earth over her bone—“just what they’ve always seen, was seeing Him. As for me, I could leave the world with today in my eyes.”
- "A Christmas Memory," Truman Capote, p. 176
Lost+ - Coldplay feat. Jay-Z
Posted by
digitalburyong
at
2:22 AM
0
comments
Friday, January 21, 2011
Fever dreaming.
Jason left the office today. I wrote shit in the farewell letter, but he's actually the best boss I ever had.
Posted by
digitalburyong
at
12:59 AM
0
comments
Wednesday, January 19, 2011
Sunday, December 5, 2010
Tuesday, November 23, 2010
Sunday, November 21, 2010
Happy was the night.
SuJu-Dr.Who-Buffy-sing-along night, as expected, was a blast. Again, that wallpaper was the loveliest I've seen. And these friends are the most fun to be with. And at 6 A.M. we're not even close to tipsy.
Posted by
digitalburyong
at
4:29 PM
0
comments
Tuesday, November 9, 2010
RIP Iya Day 40.
On my birthday I cried because of how things have been. Realizing the things I no longer have, the memories I can only share, and the beloved I can no longer be with. I dread the remaining days of my life. I relish what's left. I care less about my dreams now. In fact, I care nothing.
Iya promised me once that she would read all my owned books when she grew up. Who would re-read them now? Who would devour them as much as I did? How could I ever wish someone would take her place, knowing no one else could and would?
It's been forty days. The pain never goes away. Sadness piles upon sadness, grief upon grief. Everything now is dedicated to a Happier Year, a year we can only remember but not have.
Posted by
digitalburyong
at
8:23 PM
0
comments
Friday, October 22, 2010
Tuesday, October 12, 2010
Saturday, October 9, 2010
Wednesday, October 6, 2010
Libing.
Inihatid na namin si Iya kanina. Yun na ata ang pinakamahabang lakad ko sa buong buhay ko. Pinipilit ko pa rin na panaginip lang siya. Iniisip ko, dati kapag may nadadaanan akong karo ng patay sa kalye tas tumitigil ako para magmasid, hindi ko alam ang pakiramdam. Ngayong kami na ang tinitignan habang nasa prusisyon, alam ko na. Ang sakit. Ang lungkot. Ang hinayang. Si Ate madalas tuntingin sa taas, sa langit, sa mga ulap. Sabi niya, nagbabakasakali siyang hindi talaga totoo itong ginagawa namin tas matatawa kami kung bakit nasa gitna kami ng kalye bigla-bigla. Ako naalala ko yung mga kalyeng dinadaanan namin ni Iya pag lumalabas kami: bibili ng meryenda, magwiwithdraw sa ATM, lalakad papuntang 7-11.
Huling paalam at nangimi akong halikan si Iya sa pisngi. Baka kasi tumulo yung luha ko sa mukha niya at sabi ng mga matatanda, masama raw yun. Kaya hinalikan ko na lang siya sa dibdib, sa damit niyang prinsesa. Matigas na si Iya. Mapula siya. Rosy cheeks. Tingin namin dahil sa init. Napangiti ako sa pagsang-ayon nang nabanggit ni Ate na bumalik yung itsura ni Iya nung baby siya. Nag-iba yung mukha niya gawa ng sakit. Nung tinitingnan namin yung mga bagong kuhang retrato niya bago namatay, nag-iba yung itsura niya talaga. Napawi ang ngiti. Nahirapan.
Ngayon ko natuklasan ang kakaibang uri ng pagod. Iya, mahal na mahal ka namin. Ingat ka diyan. Namimiss ka naming paalalahanan (Iya, kain na. Iya, magtoothbrush ka na. Iya, huwag kang tatakbo. Iya, tulog na. Iya, huwag kang magbabasa sa dilim.) at wala na ang sigla sa amin ngayong wala ka na. Salamat at nakasama ka namin ng anim na taon. Magkikita pa tayo ni Tito. Yayapusin kita nang mahigpit at bubuhatin nang paikot katulad ng madalas nating gawin. Mahihilo at tatawa.
Posted by
digitalburyong
at
7:02 AM
0
comments
Saturday, October 2, 2010
RIP Iya Day 2.
Iya. Ang dami kong gustong gawin. Sabihin. Ihingi ng tawad. Gusto kitang akapin. Mahigpit. Halikan. Sana nakausap kita bago ka nawala. O nalaman kong malapit ka nang mawala nang gabing pinuntahan kita sa kuwarto mo. Iya, hindi mo alam napakaraming beses mo akong napasaya. Napangiti. Napagaan ang loob. Sana nagawa ko yung tumbasan sa anim na taong kapiling ka namin. Mahal na mahal kita. Ka namin.
Posted by
digitalburyong
at
9:26 PM
3
comments
Iya.
Iya... Lagi pa rin kitang nararamdaman sa bahay. Tuwing pinupuntahan mo ako sa kuwarto ni Tita para kausapin ako habang nagsusulat, at ikaw naman nilalaro mo si Nene Bear, Tati Bear, at Donald Duck. Nag-uusap tayo nang kung ano-ano lang. At minsan sinusungitan kita kasi wala na naman ako sa mood. At minsan inaakap mo ako sa likod at hindi kita pinapansin. Iya, mahal na mahal kita. Tuwing pumupunta ka sa kuwarto ko para magpaturo sa assignment mo. Sa tuwing lalabas tayo para samahan mo akong magwithdraw at dadaan tayong 7-11 para ilibre kita ng pagkain. Sa tuwing hihingi ka sa akin ng papel para may madrowingan ka at masulatan. Sa tuwing magtatampo ako sa 'yo dahil hindi mo na naman ako sinusunod. Sa tuwing nilalambing mo ako pag-uwi galing trabaho. Sa tuwing maglalaro tayo, at nung minsang ginawan ko ng paraan na payagan kang maligo sa ulan. Sa dalawang beses na dinala kita sa Christmas party ng Alliance. Sa tuwing pinipilit mo akong isama kita sa tuwing maglalakwatsa ako kaso hindi puwede. Iya, miss na miss na kita. Kung alam ko lang na anim na taon lang ang tagal ng ating pagsasama, ginawa ko na sana ang lahat upang mapasaya ka nang lubusan. Iya, kulang ang salita upang maparating ko kung gaano ko nararamdaman ang pagkawala mo. Iya. Namimiss ka na ni Tito Ichard. Balik ka na...
Posted by
digitalburyong
at
3:03 AM
1 comments





