Tangina minsan kahit anong pilit kong pasiglahin ang sarili, kahit anong pilit kong tatagan ang loob sa mga bagay na sumusubok sa pasensya, kahit anong pilit kong paniwalain ang sarili na may magandang dahilan ang lahat, hindi ko mawari kung bakit may mga pangyayari pa rin na magaganap para panghinaan ako ng loob, para pagdudahan ang positibong mukha ng mga bagay.
Sabihin mo nga sa akin, ano pa ba, ano pa ba ang kailangan kong gawin? Tangina naman e. Hindi ba puwedeng hayaan muna akong makabawi bago bigyan ulit ng mga mabibigat na pagsubok? Nauunawaan ko namang hindi na ako makakabalik pa sa dati, at natanggap ko nang may lamat na ang pagtingin ko sa mundo, pero maaari bang pakonsuwelo na lang na pagalingin ang may sakit at bawasan ang hirap sa araw-araw na pagpasok sa trabaho?
England - PJ Harvey
0 comments:
Post a Comment