Palagay ko mas nagkakaroon ng posibilidad na magkatotoo ang mga bagay kapag isinulat mo sila, kapag nakikita mo ang katotohanan nila sa papel o kahit sa blog man lang. Kaya eto, mga bagay na dapat gawin at ilang mga plano:
> Ayusin ang CV. Ihanda ang sarili na maghanap ng trabaho sa labas ng bansa.
> Magbasa ng mas marami pang libro. Huwag tamarin sa pagbuklat. Pag-ipunang makabili ng Kindle.
> Huwag masyadong gumastos sa pagkain! Disiplinahin ang sarili sa paggasta ng pera.
> Mag-ehersisyo!
> Huwag magpuyat. Diretso na uwi galing opisina para hindi mapagod at gumastos. Social life mo na ang libro, musika, at pelikula. Solb na yun.
> Tigilan na ang walang kuwentang pag-iilusyon.
> Magtiwala sa sarili. Confidence! Passe na ang pagse-self-deprecate. (I-contradict talaga?)
> Hangga't maaari magsulat. Pero huwag pilitin. Steady lang. Pagtuunan ng pansin ang mga raket sa pagsusulat. Huwag muna mag-blog, puwera na lang dito sa Buryong. Priyoridad ang Buryong! Mas mahalagang manumbalik ang interes mo sa blog na ito.
> Bawasan ang oras na inilalaan sa pagmumuni-muni.
> Gumawa ng kalokohan paminsan-minsan. Pero huwag masyadong masasaktan ha?
> Huwag pabayaan ang sarili. Huwag hayaang mapabayaan ang sarili.
> Magpadala ng mga sorpresang sulat at regalo.
> Bawas-bawasan ang dependence sa Internet!
> Kahit gaano kahirap, mag-ipon.
> Seryosohin muli ang pag-aaral ng Pranses.
> Tapusin na ang "Best OPM songs of the Decade" list
O yun muna. Dadagdagan ko na lang sa susunod.
Don't Get Stuck (Proud Elephants) - Delicate Steve
Sunday, July 10, 2011
Sa hinaharap.
Posted by
digitalburyong
at
7:56 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
crush kita...
Post a Comment