Pakiwari ko dapat tigilan ko na 'to. Hayaan na lang ang mga bagay at huwag piliting magkatotoo. Tutal una, hindi ko rin naman alam kung paano sasabihin. At pangalawa, baka mapahiya lang ako. Nakakainis yung pangalawang dahilan, pero ganun ata talaga. Takot. Walang bayag.
Puyat ako nitong nakalipas na mga araw dahil naisip ko kailangan kong lumabas, sumagap ng hangin bukod sa hangin na nasasagap ko sa bahay. Noong isang araw magkasama kami ni Anton. Inaya niya ako sa tugtugan ng kaibigan niya. Masaya naman. Magkakilala na kami ni Anton mula pa noong kolehiyo, pero sa Alliance lang kami naging malapit. Mahabang kuwento kung paano namin natuklasang magkakilala pala kami dati pa. Isa si Anton sa malalapit kong kaibigan, kahit medyo bihira na kami magkita. Nakuwento ko sa kanya si J-L. Supportive naman ang gago. Sinuportahan ang kagagahan ko. At nanlibre ng pizza. At gusto na rin daw niya mag-resign sa Alliance.
Kagabi naman kasama ko sina Charlotte at Sly. Mahaba-haba ring kuwentuhan. Malungkot lang kasi paalis na sila ng Pinas. Hahanap muli ng bagong lugar na lilipatan, bagong trabahong paglalaanan ng panahon. Nomadic ang atake nila sa buhay. Cool. Halos ka-edad ko lang sila, pero bilang Pranses pakiramdam ko mas matapang sila sa akin. At may mas malawak na ideya tungkol sa buhay. Sana magkita pa kami ulit. Sabi ko nga, "In forty years, magkita tayo sa Angers! Tas pagkuwentuhan natin 'tong mga pinag-usapan natin ngayong gabing 'to." Nakakalungkot pero kahit papaano nabigyan ako ng perspektiba, gaano man kabilis mawala ng linaw.
I'll Be Waiting - Adele
Thursday, July 7, 2011
Pumeperspektiba.
Posted by
digitalburyong
at
5:48 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment